Biyernes, Hulyo 18, 2014

Talumpati - Buhayin ang Kalikasan



MULING BUHAYIN ANG KLIKASAN
(ni: Jeric B. Ventoza)

Buong puso po akong pumarito ngayon at haharap sa madla dala ang aking napakahalagang mensahe.

Ang kalikasan ay isang pinakamahlagang bagay sa buhay ng tao. Lahat ng ating pangangailangan ay naibibigay nito. Tayong mga nilalang ay hindi nabubuhay kung wala ang kalikasan. Tayo’y lubos na umaasa sa ibinibigay nito.

            Ang bawat isa sa mundong ito ay nabigyan ng pagkakataon na matikman ang tamis ng kalikasan. Matanda man o bata, mahirap man o mayaman lahat ay may karapatan. Ngunit bakit? Bakit napakahirap para sa atin na alagaan ang kalikasan at maintindihan kung ano ang kahalagahan nito! Bakit sa tingin ng karamihan ay para bang, walang saysay sa kanila ang kalikasan? Bakit? Oh kawawang kalikasan bakit ka nila ginaganyaan.

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, ang bilang nating mga tao ay dumarami’t lumaalaki rin. Sa halip na atin pang mapakikinabangan ang kalikasan ay wala na tayong makukuha mula dito dahil sa ating mga maling gawi. Tayo mismo ang gumagawa ng paraaan upang masira ang kalikaasan. Eh, tayo rin naman ang nangangailangan.

            Ang magagandang karagatan at maging ang mga ilog, mga lugar na masasabing tunay na may malusog na kalikaasan, bakit kung saan may mga taong namumugad ay hindi na maganda. 

Napakaraming mga basurang nagkakalat. Lubus na itong nasisira. Kahit pinagbabawalan man ng mga sangay ng pamahalaan ang pagtatapon ng basura, datapwat sila mismo ang nagpapatayo ng mga nagsisipalakihang mga gusali na siya ring nagdudulot ng kapinsalaan sa kalikasan. Ang mga punong nagbibigay ng magandang simoy ng hangin ay kanilang pinapuputol. Hindi ko na maintindihan ang mga tao.

            Sa ating mga tao nagsimula ang paggawa ng mga plastiks at iba pang mga bagay-bagay at ang pagsusunog ng mga ito ang sumisira sa ating atmospera. Wala ng sino pang ibang mapagbibntangan sa paghihirap na naararanasan natin. Tayong mga tao mismo ang may pakana at may gawa ng lahat ng ito. 

            Ibig ko lamang ipabatid sa lahat, nagawa man  nating sirain ang kalikasan, hindi pa huli upang magbago. Sama-sama  tayong magkapitbisig  at igugol ang ating oras sa ating nasirang kalikasan. Hindi man madaling mabago ang lahat subalit kung pagsisikapan natin  ay magagawa  natin ito.

              Taus puso ko pong hinihingi ang inyong tulong para sa muling  pagkabuhay ng ating inang kalikasan!

8 komento: