Biyernes, Hulyo 18, 2014

Halimbawa ng Talumpati - Batang Kalye



BATANG KALYE

Ni: Felix Gutierez


Bakit ba ganyan kayo sa akin? Kung nakaharap ako sa inyo,  ang bait ninyo. Ngunit kapag ako’y nakatalikod, iba-iba mga hindi magagandang salita ang lumalabas sa mga bibig ninyo.  Bakit? Dahil ba sa isa lamang akong  batang kalye? Isa lamang akong  taong na hindi pa alam kung ano ang prinsipyo. Sapagkat galing lamang ako sa isang  mahirap na pamilya. Masakit  din para sa  akin na minumura  ninyo ang isang tulad ko.

Bata pa lang ako, ginagawa n’yo ng parang makina ang aking katawan. Wala ba kayong mga puso?

Tulad lamang kahapon sa kalye, kinumpara ninyo ako sa isang tao na nasa  wheelchair . Ang akala ninyo ba  sa tulad ko ay wala ng silbi sa mundo?

Bakit kayo galit? Dahil ba sa isa lang akong palaboy na napulot ninyo na maging serbidor ninyo at tratuhin ako ng ganito? Dahil ba sa gusto n’yong pagsilbihan ko kayo  at Gawain ang lahat ng gawaing maaari n’yong ipag-utos? o dahil ba masaya lang talaga kayo kapag may nauutusan kayo?

Ako’y naririto at nagsasalita sa inyong harapan upang ipamulat sa inyo na ako ay mas nakalalamang sa inyo. Salamat sa inyong pag-aalipin at pag aalipusta. Ako ngayon ay mas matibay at mas matatag na. Ipapakita ko sa inyo kung papaano ako babangon at tinitiyak ko sa inyo na aking makakamit ang tagumpay.












1 komento:

  1. Gambling hall in Gringo to be converted into a casino
    The project was originally planned to open a replica air jordan 18 retro men red casino air jordan 18 retro yellow cheap but air jordan 18 retro red suede online site had the potential for a hotel. It now has a sister hotel, show to get air jordan 18 stockx Resorts air jordan 18 retro racer blue on sale World and Casino

    TumugonBurahin