BATANG KALYE
Ni: Felix Gutierez
Bakit ba ganyan kayo sa akin? Kung nakaharap ako sa inyo, ang bait ninyo. Ngunit kapag ako’y
nakatalikod, iba-iba mga hindi magagandang salita ang lumalabas sa mga bibig
ninyo. Bakit? Dahil ba sa isa lamang
akong batang kalye? Isa lamang
akong taong na hindi pa alam kung ano
ang prinsipyo. Sapagkat galing lamang ako sa isang mahirap na pamilya. Masakit din para sa
akin na minumura ninyo ang isang
tulad ko.
Bata pa lang ako, ginagawa n’yo ng parang makina ang aking
katawan. Wala ba kayong mga puso?
Tulad lamang kahapon sa kalye, kinumpara ninyo ako sa
isang tao na nasa wheelchair . Ang akala
ninyo ba sa tulad ko ay wala ng silbi sa
mundo?
Bakit kayo galit? Dahil ba sa isa lang akong palaboy na
napulot ninyo na maging serbidor ninyo at tratuhin ako ng ganito? Dahil ba sa
gusto n’yong pagsilbihan ko kayo at Gawain
ang lahat ng gawaing maaari n’yong ipag-utos? o dahil ba masaya lang talaga kayo
kapag may nauutusan kayo?
Ako’y naririto at nagsasalita sa inyong harapan upang
ipamulat sa inyo na ako ay mas nakalalamang sa inyo. Salamat sa inyong
pag-aalipin at pag aalipusta. Ako ngayon ay mas matibay at mas matatag na.
Ipapakita ko sa inyo kung papaano ako babangon at tinitiyak ko sa inyo na aking
makakamit ang tagumpay.
Gambling hall in Gringo to be converted into a casino
TumugonBurahinThe project was originally planned to open a replica air jordan 18 retro men red casino air jordan 18 retro yellow cheap but air jordan 18 retro red suede online site had the potential for a hotel. It now has a sister hotel, show to get air jordan 18 stockx Resorts air jordan 18 retro racer blue on sale World and Casino