MULING BUHAYIN ANG KLIKASAN
(ni: Jeric B. Ventoza)
Buong puso po akong
pumarito ngayon at haharap sa madla dala ang aking napakahalagang mensahe.
Ang kalikasan ay isang
pinakamahlagang bagay sa buhay ng tao. Lahat ng ating pangangailangan ay
naibibigay nito. Tayong mga nilalang ay hindi nabubuhay kung wala ang
kalikasan. Tayo’y lubos na umaasa sa ibinibigay nito.
Ang
bawat isa sa mundong ito ay nabigyan ng pagkakataon na matikman ang tamis ng
kalikasan. Matanda man o bata, mahirap man o mayaman lahat ay may karapatan.
Ngunit bakit? Bakit napakahirap para sa atin na alagaan ang kalikasan at
maintindihan kung ano ang kahalagahan nito! Bakit sa tingin ng karamihan ay
para bang, walang saysay sa kanila ang kalikasan? Bakit? Oh kawawang kalikasan
bakit ka nila ginaganyaan.
Sa mabilis na pagtakbo ng
panahon, ang bilang nating mga tao ay dumarami’t lumaalaki rin. Sa halip na
atin pang mapakikinabangan ang kalikasan ay wala na tayong makukuha mula dito
dahil sa ating mga maling gawi. Tayo mismo ang gumagawa ng paraaan upang masira
ang kalikaasan. Eh, tayo rin naman ang nangangailangan.
Ang
magagandang karagatan at maging ang mga ilog, mga lugar na masasabing tunay na
may malusog na kalikaasan, bakit kung saan may mga taong namumugad ay hindi na
maganda.
Napakaraming mga basurang
nagkakalat. Lubus na itong nasisira. Kahit pinagbabawalan man ng mga sangay ng
pamahalaan ang pagtatapon ng basura, datapwat sila mismo ang nagpapatayo ng mga
nagsisipalakihang mga gusali na siya ring nagdudulot ng kapinsalaan sa
kalikasan. Ang mga punong nagbibigay ng magandang simoy ng hangin ay kanilang pinapuputol.
Hindi ko na maintindihan ang mga tao.
Sa
ating mga tao nagsimula ang paggawa ng mga plastiks at iba pang mga bagay-bagay
at ang pagsusunog ng mga ito ang sumisira sa ating atmospera. Wala ng sino pang
ibang mapagbibntangan sa paghihirap na naararanasan natin. Tayong mga tao mismo
ang may pakana at may gawa ng lahat ng ito.
Ibig
ko lamang ipabatid sa lahat, nagawa man nating sirain ang kalikasan, hindi pa huli
upang magbago. Sama-sama tayong
magkapitbisig at igugol ang ating oras
sa ating nasirang kalikasan. Hindi man madaling mabago ang lahat subalit kung
pagsisikapan natin ay magagawa natin ito.
Taus
puso ko pong hinihingi ang inyong tulong para sa muling pagkabuhay ng ating inang kalikasan!